^

Bansa

Unang Tinagalog na panukala inihain ni Sen. Lapid

-
Naghain ng kanyang kauna-unahang panukalang batas sa ika-13 Kongreso sa Mataas na Kapulungan si Sen. Manuel "Lito" Lapid na naglalayong ideklara ang Agosto bilang buwan ng Wikang Pambansa.

Ito ang kauna-unahang panukalang batas na naisumite sa Senado sa Wikang Filipino.

Ayon kay Sen. Lapid, dapat ideklara ang Agosto bilang buwan ng Wikang Pambansa bilang pagkilala sa kapanganakan ng ama ng wikang Filipino na si dating Pangulong Manuel Quezon tuwing Agosto 19.

Inaatasan din ang lahat ng paaralan at pampublikong tanggapan na gumawa ng mga aktibidades sa buwang ito na lubos na kikilala sa ating wika.

Ang Komisyon ng Wikang Filipino ang mangunguna at mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga aktibidades tuwing Agosto ng bawat taon.

Sinabi ni Lapid na ang ating pambansang wika ay isang matibay na haligi ng salinlahi at mayamang kultura ng Pilipinas at ito ang magpapatibay ng pagkakaisa ng bansa na siyang magiging daan tungo sa kaunlaran. (Ulat ni Rudy Andal)

AGOSTO

ANG KOMISYON

AYON

INAATASAN

LAPID

PANGULONG MANUEL QUEZON

RUDY ANDAL

WIKANG FILIPINO

WIKANG PAMBANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with