Mag-asawang attache sa UAE kinasuhan
August 18, 2004 | 12:00am
Nahaharap sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mag-asawang opisyal ng United Arab Emirates (UAE) sa Office of the Ombudsman dahil sa paggamit umano ng mga ito ng pasilidad ng gobyerno sa kanilang negosyo sa halip na paglingkuran ang mga overseas Filipino workers (OFWs).
Pormal na nagsampa ng kaso kahapon ang isang nakilalang si Peter dela Cruz sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mag-asawang Antonio at Benilda Carillo, na kapwa mga Philippine Embassy attache sa Abu Dhabi sa UAE.
Sa reklamo ni dela Cruz, isang OFW, lumalabas na nagtatag ang mag-asawang Carillo ng negosyong Regent Forex Cargo sa UAE at ginagamit ang pasilidad ng gobyerno para sa kanilang business venture at ginawang extension office.
Ibinunyag ni dela Cruz na mula umano noong buwan ng Hunyo hanggang sa kasalukuyan ay gumagamit ng mga kagamitan ng gobyerno para sa pagpoproseso ng mga permit at lisensiya ang nasabing negosyo. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest