5 katao nilamon ng lupa
August 18, 2004 | 12:00am
SAN MATEO, Rizal - Lima katao ang kumpirmadong namatay kabilang ang 1-taong-gulang na batang lalaki habang himala namang nakaligtas ang dalawa pang bata makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang dalawang bahay sa gilid ng rip rap sa Brgy. Silangan ng bayang ito, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Rizal Provincial Director Sr. Supt. Leocadio Santiago Jr., ang mga biktimang sina Mario Aresta, asawa nitong si Dolores; Luzviminda Alde, 29; Middel Llovido, 25 at ang 1-anyos na anak nitong si Mark Victor Llovido.
Himala namang nakaligtas ang dalawa pang batang biktima na sina Mariden Llovido, 2 at Mico Aresta, 4, na naagapang nahukay ng mga rumespondeng mga kapitbahay.
Naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa Dayot compound, Sta. Barbara Villas, Boundary Hills Brgy. Silangan.
Kasagsagan ng napakalakas na ulan at nasa kasarapan ng tulog ang pamilya ng mga biktima ng biglang bumigay ang sementadong rip rap at kasabay ng pagbuwag nito ay ang pagguho ng lupa na tumabon sa bahay ng mga ito.
Subalit dahil sa lakas ng ulan at dilim ng paligid ay nahirapan ang mga sumaklolong kapitbahay na mahukay ang limang biktima.
Matapos ang mahigit isang oras ay patay na ng mahukay ang lima.
Ayon sa pulisya, gumuho ang rip rap dahil sa biglaang pagdagsa ng tubig galing sa bundok at hindi ito nakayanan.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang dapat managot sa insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended