Sa press statement na inilabas ni Sen. Santiago, idinawit nito si Lim na noon ay Mayor pa ng Maynila at si Zialcita na noon ay general manager ng Public Estate Authority (PEA) na pawang mga miyembro ng executive committee ng SMDRP na siyang nagpalusot ng naturang proyekto.
Unang nakaladkad sa naturang kontrobersiya si Senate President Franklin Drilon dahil sa pagbibigay umano ng legal opinion para maging legal ang naturang proyekto. Nauna nang itinanggi ni Drilon na binasbasan niya ang naturang proyekto noong nanungkulan itong kalihim ng Department of Justice (DOJ) bagamat inamin nito na nagpalabas siya ng dalawang legal opinion nang humingi ng klaripikasyon si Dionisio dela Serna, ang chairman ng executive committee ng SMDRP. (Ulat ni Rudy Andal)