Benepisyo sa mga OFW patataasan ng DOLE
August 16, 2004 | 12:00am
Inihayag kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaasahang maitataas na ng pamahalaan ang maibibigay na mga insentibo sa may walong milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa ibat ibang panig ng mundo.
Sinabi ni Labor Usec. Susan Ople, sumang-ayon na sa kanilang panukala ang Federated Association of Manpower Exporters (FAME) na siyang pinakamalaking organisasyon na nagpapadala ng mga trabahador sa buong mundo.
Nabatid kay Ople na sinabi ni Alfredo Palmiery, pangulo ng FAME na nakatakda nilang pamunuan ang reintegration at revitalization program para sa mga insentibo ng mga balikbayang OFWs.
Kasama dito ang pagbibigay ng mga cash bonuses, medical benefits kung magkakasakit habang nasa trabaho sa ibang bansa ang mga OFWs at pagdaragdag ng pension kung maaaksidente ang mga ito para may pagkuhanan ng ikabubuhay kung uuwing baldado sa Pilipinas.
Ipinaliwanag nito na marami rin sa mga OFWs ang may ilang taon nang nagtatrabaho sa ibayong-dagat ngunit hindi rin nakakaipon dahil sa pamilyang sinusuportahan at hindi rin nakakakuha ng suporta sa pamahalaan pagdating sa Pilipinas para sa kanilang ikabubuhay dahil sa hindi rin makabalik bilang OFW kapag lagpas na sa age limit.
Nakatakda namang magsagawa ng public hearing ang DOLE at FAME para sa iba pang employment agency at mga korporasyon upang magbigay ng kanilang mga suhestiyon sa pagdadagdag ng mga benepisyo ng mga OFWs. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 23 hours ago
By Doris Franche-Borja | 23 hours ago
By Ludy Bermudo | 23 hours ago
Recommended