GMA pinayuhang magbakasyon naman
August 13, 2004 | 12:00am
Pinayuhan ni Sen. Joker Arroyo si Pangulong Arroyo na magbakasyon muna dahil sa mahigit tatlong taon na itong nagtatrabaho ng walang pahinga.
"The President should take a good and restful vacation, she sounds tired. That is why she has become onion-skinned," ayon kay Sen. Arroyo.
Pinuna din ng senador ang mga miyembro ng Gabinete na nagsusumiksik sa saya ng Pangulo kung napupuna ang kapalpakan ng mga ito sa kanilang mga trabaho.
Aniya, walang puwang sa pamahalaan ang ganitong miyembro ng Gabinete at mas maganda kung magbibitiw na lang sila sa kanilang trabaho.
Idinagdag ng senador na ang kapalpakan ng mga Gabinete ay reflection sa anong uri ng pamahalaan mayroon ibibigay si Pangulong Arroyo.
Tinukoy nito si dating Finance Secretary Jose Isidro Camacho na nagpayo sa gobyerno na mangutang ng mangutang at nang napag-initan na ay bigla na lang nagbitiw sa tungkulin at sumuporta pa sa kalaban ng Pangulo noong nakaraang halalan.
Aniya, sa ilalim ng pamunuan ni Camacho, tinalo pa ng pamahalaang Arroyo ang pinagsamang utang ng gobyerno ni Fidel Ramos at Joseph Estrada sa loob lang ng tatlong taon.
Sinabi pa ni Sen. Arroyo na dapat itigil na ng Pangulo ang pag-atas sa Kongreso na magpataw ng dagdag-buwis upang makakuha ng P80 billion sa budget deficit.
Wika pa nito, hindi ito ang sagot sa budget deficit, ang kailangan ay ang puspusang koleksiyon ng buwis. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended