^

Bansa

Appointment ng bagong kalihim ng DAR kinontra

-
Nadismaya ang isang peasant group at libu-libong magsasaka sa hindi pagbilang ni Pangulong Arroyo sa kanyang 10-point agenda para sa anim na taong panunungkulan nito ang kawalan ng konkretong pagpapatatag sa agrarian reform sa bansa at ang ‘kahinaan’ ng bagong kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa katauhan ni Rene Villa.

Kinuwestiyon ng grupong Partnership Agrarian Reform and Rural Development Services (PARRDS) ang kakayahan at integridad ni Villa dahil sa kawalan anila nito ng kaalaman hinggil sa agraryo at ang pagiging anti-worker umano nito.

Sinabi ni Ricardo Reyes, exec. director ng PARRDS na dahil sa nasabing hakbang ng Pangulo ay walang maibibigay na tulong ang gobyerno upang maiangat ang bansa sa kahirapan dahil ang mga nagmamay-ari lamang ng malalaking plantasyon ang makikinabang.

Kilala umano si Villa na malapit sa mga mayayamang pamilya na nagmamay-ari ng plantation sa Negros Occidental at dahil dito ay posibleng isulong pa nito na ma-exempt sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang mga kapitalista.

Nabatid na galit din ang may 500 sugar mill workers sa Negros na kabilang sa mga trabahador sa Clinog Sugar Mills dahil si Villa din umano ang humaharang upang makuha ng mga manggagawa ang P19 milyon na na-grant na ng korte matapos na magsara ang nasabing sugar mills. (Ulat ni Ellen Fernando)

CLINOG SUGAR MILLS

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

ELLEN FERNANDO

KILALA

NEGROS OCCIDENTAL

PANGULONG ARROYO

PARTNERSHIP AGRARIAN REFORM AND RURAL DEVELOPMENT SERVICES

RENE VILLA

RICARDO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with