Ang tatlo na hindi ibinunyag ang mga pangalan para na rin sa kanilang seguridad, ang siyang nagbigay ng tip sa mga miyembro ng NAKTF na naging daan sa pagkakaaresto kina Zosimo Lauzon at Alexander Aldas, mga lider ng Waray-Waray gang at Arnel Suellen na isa pang kidnap-for-ransom member.
Dalawa sa mga impormante ang tumanggap ng tig-P1milyon at ang pangatlo ay P500,000.
Muling hinikayat ng Pangulo na makipagtulungan sa mga alagad ng batas ang mga biktima at mga testigo sa pangingidnap at hiniling niya sa publiko na maging matapang ang loob sa pagbibigay ng tip sa ikadarakip ng mga kriminal.
Dapat anyang tularan nila ang biktimang si Jackie Roweno Chiu na naging matiyaga sa pagdalo ng paglilitis sa korte sa kaso ng mga kumidnap sa kanya. Kahit anya tumagal ng tatlong taon ang paglilitis natagalan niya ang mga pandarahas at iba pang problemang kaakibat ng pagsasampa niya ng kaso. (Ulat ni Lilia Tolentino)