Pagbitay sa 14 death convicts ipinagpaliban ng 30-araw
August 7, 2004 | 12:00am
Binigyan kahapon ni Pangulong Arroyo ng 30-araw na reprieve ang 14 death convicts na naka-schedule na bitayin ngayong buwan.
Nagpadala kahapon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Merceditas Guttierez ng isang memorandum buhat kay Executive Secretary Alberto Romulo na pirmado ng Pangulo para sa naturang pagpapaliban ng pagbitay.
Nakasaad sa memorandum na ire-schedule ang pagbitay sa Nobyembre 8 buhat sa dating schedule na Agosto 10 ngayong taon.
Nabatid na napatunayang nagkasala sa mga krimeng panggagahasa ang 10 sa mga convict habang ang apat naman ay napatunayang nagkasala sa kasong murder.
Hindi naman binigyan ng reprieve ng Malacañang ang mga convict na nakatakdang bitayin rin ngayong buwan matapos na mapatunayang guilty sa mga kasong kidnapping at illegal drugs. (Ulat ni Danilo Garcia

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended