Agad namang itinalaga ng Malacañang bilang officer-in-charge si Deputy Commissioner George Jereos.
Ang resignation ay iniharap ni Bernardo dahil sumama umano ang loob nito nang bumuo ang Malacañang ng isang espesyal na task force na pinamumunuan ni DILG Sec. Angelo Reyes.
Ang isa pang dahilan sa pagbibitiw ni Bernardo ay ang diumanoy pagpapailalim dito sa lifestyle check ng Presidential Anti-Graft Commission o PAGC.
Naunang nabalita na si Bernardo ay nagharap ng aplikasyon para magbakasyon sa loob ng dalawang linggo.
Nabatid naman na kinokonsidera ng Malacañang na hirangin bilang Customs Commissioner si Airport Customs collector Celso Templo dahil sa pagiging miyembro nito ng Iglesia ni Cristo (INC) na sumuporta sa Pangulo noong nakaraang eleksiyon.
Importante umano na makakuha kaagad ng mamumuno sa Customs dahil sa malaking problema ngayon ng bansa sa malawakang smuggling operation at malinis ang mga opisyales nito sa graft and corruption.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Finance Secretary Juanita Amatong na mananatili si Guillermo Parayno bilang commissioner ng Bureau of Internal Revenue. (Ulat nina Lilia Tolentino/Danilo Garcia)