Pondo ng SSS paubos na,iimbestigahan ng Kongreso
August 5, 2004 | 12:00am
Sisiyasatin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ulat na paubos na ang pondo ng Social Security System (SSS) dahil mas malaki ang lumalabas na pera sa nasabing ahensiya kaysa pumapasok.
Inamin kahapon ni Joel Palacios, information officer ng ahensiya, kung magpapatuloy ang kasalukuyang sistema sa SSS ay posibleng masaid ang pondo nila pagdating ng 2015.
Kaugnay nito, sinabi ni Quezon Rep. Proceso Alcala, isa sa tatlong author ng House Resolution No. 23, dapat imbestigahan kaagad ng kinauukulang komite sa Kongreso ang napipintong pagkasaid ng pondo ng SSS bilang proteksiyon sa milyon-milyong miyembro nito,
Marami anyang miyembro ng SSS ang umaasa sa matatanggap nilang retirement pay sa hinaharap na posibleng maglaho kapag naubos ang pondo ng ahensiya. Kabilang sa mga pinaniniwalaang dahilan nang pagkawala ng pondo ng SSS ang mga hindi nakokolektang pautang at mahal na operating expenses.
Ayon naman kay Palacios, mas malaki ang inilalabas nilang pera dahil sa mga salary loans at pagbabayad ng pensiyon samantalang nababawasan naman ang mga nagre-remit na kompanya.
Hindi aniya sapat ang ipinatupad na 1% increase na ipinataw sa mga employer para sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga miyembro kaya posibleng taasan na naman ang monthly contribution.
Idinagdag ni Alcala na hindi makatarungan para sa mga private employees na kinakaltasan ng kanilang monthly contributions kung wala silang mapapalang retirement pay kapag bumagsak ang SSS. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest