^

Bansa

One-woman policy ihahain: Bawal ang kabit !

-
Ito ang isa sa nakitang solusyon ng isang mambabatas sa problema nang lumolobong populasyon ng bansa, ang ipagbawal sa mga lalaki ang pagkakaroon ng anak sa hindi nila tunay na asawa.

Sa panukalang batas na ihahain ni Manila Rep. Ernesto Nieva, sinabi nito na iresponsable ang mga lalaking may asawa na nag-aanak pa sa ibang babae kaya dapat lamang silang parusahan.

Nais ni Nieva na i-ban sa lahat ng public office ang mga lalaking mapapatunayang may anak sa labas.

Aminado ito na maraming opisyal ng gobyerno ang tatamaan ng kanyang panukala lalo na ang mga congressmen at senador na may mga anak sa labas.

Hindi rin anya dapat makuha ng "number two" ang mga benepisyong dapat matanggap ng isang opisyal o empleyado ng gobyerno kundi maaari lamang itong ipagkaloob sa original na asawa.

Hindi aniya siya pabor sa 2-child policy na isinusulong ng ilang mambabatas dahil kung ang isang lalaki ay mayroong apat na kabit at aanakan niya ito ng tig-2, walong bata agad ang madadagdag sa populasyon ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AMINADO

ANAK

ASAWA

ERNESTO NIEVA

MALOU RONGALERIOS

MANILA REP

NIEVA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with