Ayon kay Sen. Lacson, sa ilalim ng kanyang Senate bill 848 ay hindi na magiging biktima ng hire and fire ang mga contractual bagkus ay magkakaroon sila ng security of tenure.
"In some big department stores, almost 90 percent of the workforce are employed on a contractual basis for 5-6 months. This practice is being resorted to, to evade the intent and spirit of the provisions of our labor code, thus preventing these employees from acquiring security of tenure and enjoy the benefits appertaining them," paliwanag ng senador.
Idinagdag pa ni Lacson, dapat lamang maproteksiyunan ang mga contractual employees na ito at maging regular na empleyado upang matanggap nila ang nararapat na benepisyo sa ilalim ng ating labor code.
Aniya, ang mga employer lamang ang nakakatipid sa contractual scheme na ito habang ang manggagawa naman ay nagiging biktima ng pagsasamantala sa ganitong sistema.
Kinampihan ni Lacson ang hinaing ng mga militanteng grupo na bumabatikos sa mga kumpanyang kumukuha lamang ng contractual employees subalit bago maging ganap na regular ay inaalis na nila ang mga ito kaya inihain niya ang nasabing panukala. (Ulat ni Rudy Andal)