^

Bansa

Contractual gawing regular - Ping

-
Hiniling kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na gawing regular na empleyado ang mga contractual employees na nakapagtrabaho na ng isang taon sa isang kumpanya, partikular ang mga department stores.

Ayon kay Sen. Lacson, sa ilalim ng kanyang Senate bill 848 ay hindi na magiging biktima ng hire and fire ang mga contractual bagkus ay magkakaroon sila ng security of tenure.

"In some big department stores, almost 90 percent of the workforce are employed on a contractual basis for 5-6 months. This practice is being resorted to, to evade the intent and spirit of the provisions of our labor code, thus preventing these employees from acquiring security of tenure and enjoy the benefits appertaining them," paliwanag ng senador.

Idinagdag pa ni Lacson, dapat lamang maproteksiyunan ang mga contractual employees na ito at maging regular na empleyado upang matanggap nila ang nararapat na benepisyo sa ilalim ng ating labor code.

Aniya, ang mga employer lamang ang nakakatipid sa contractual scheme na ito habang ang manggagawa naman ay nagiging biktima ng pagsasamantala sa ganitong sistema.

Kinampihan ni Lacson ang hinaing ng mga militanteng grupo na bumabatikos sa mga kumpanyang kumukuha lamang ng contractual employees subalit bago maging ganap na regular ay inaalis na nila ang mga ito kaya inihain niya ang nasabing panukala. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AYON

CONTRACTUAL

HINILING

IDINAGDAG

KINAMPIHAN

LACSON

PANFILO LACSON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with