Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Efren Abu, kinilala ang mga suspek na sina Mamasao Naga alyas Zainal Paks at Abbdul Pata alyas Mohamad Amir.
Nasakote ang dalawa dakong alas-11 ng tanghali sa isinagawang raid ng pinagsanib na elemento ng Army Intelligence at 7th Marine Battalion sa hideout ng mga suspek sa Brgy. Lilod, Marawi City.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na ang mga suspek ay sangkot sa pagpapasabog sa LRT Blumentritt station na ikinasawi ng 22 katao habang marami pa ang nasugatan.
Ang mga suspek rin ang pangunahing sangkot sa pagpapasabog sa Edsan bus sa Cubao, Quezon City ng nasabi ring taon.
Ang dalawa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 54.
Silay pawang mga kasamahan ng napaslang na si Indonesian terrorist Fathur Rohman al-Ghozi at ng nasakoteng si Muklis Yunos na sinampahan ng kasong multiple murder at multiple frustrated murder.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang Daewoo pistol at mga dokumento hinggil sa ugnayan ng JI terrorist sa mga lokal na terorista sa bansa.
Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nasakoteng JI terrorist. (Ulat ni Joy Cantos)