Seminars sa Boracay bawal na sa gobyerno
August 3, 2004 | 12:00am
Dapat magsimula sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno ang panawagan ni Pangulong Arroyo na magtipid kaya ipagbabawal na sa mga ito ang pagdaraos ng mga seminar sa Boracay, pagbiyahe sa labas ng bansa, pagbili ng mga mamahaling sasakyan, mahabang paggamit ng cellular phones at maging pagdaraos ng mga badminton tournaments na may subsidy ang pamahalaan at iba pang pa-liga.
Ito ang sinabi kahapon ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, chairman ng House committee on appropriations kaugnay sa austerity measures o pagtitipid na ipatutupad sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Sinabi ni Rep. Andaya na isusumite na ng Malacañang sa Kongreso ang panukalang P901 bilyong national budget para sa 2005 kung saan idedetalye rin ang spending ceilings at mga paraang gagawin upang makatipid ang gobyerno.
Kabilang na rito ang pagbabawal sa mga foreign travels, moratorium sa pagbili ng mga bagong sasakyan at paglilimita sa mga cultural at sports tournaments.
Papayagan lamang ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na dumalo sa mga ministerial meetings, trainings at scholarships sa ibang bansa kung walang gagastusin ang gobyerno.
Ngayong taong ito lamang ay inaasahang aabot sa P3.7 bilyon ang gagastusin ng pamahalaan sa foreign travel, P1.6 bilyon para sa communications at P20.2 bilyon para sa supplies at materials.
Aabot rin sa P4 bilyon ang magagastos ng pamahalaan para sa kuryente at tubig.
Idinagdag ni Andaya na ipagbabawal na rin ang pagbati sa mga newspaper dahil umaabot aniya sa P170,000 ang kalimitang ginagastos para sa birthday greetings ng isang opisyal gayong puwede namang bumili na lamang ng isang Hallmark card.
Lilimitahan na rin ang paggamit ng cellular phones lalo na ng mga opisyal ng pamahalaan dahil kalimitan aniya ay ginagamit na rin ito sa mga personal na tawag.
Bubuwagin na rin ang mga inter-agency bodies na binuo hindi sa pamamagitan ng batas at ipagbabawal ang paglikha ng mga bagong tanggapan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest