^

Bansa

Pag-upo ni Rep. Durano sa DOT kinontra ni Sen. Gordon

-
Kinontra ni administration Senator Richard Gordon ang napipintong pag-upo ni Cebu Rep. Ace Durano sa Department of Tourism (DOT).

Si Rep. Durano ang napipisil ng Malacañang na siyang papalit kay DOT Sec. Robert Pagdanganan na pumalit naman kay Gordon.

Ayon kay Gordon, dapat na pamunuan ng isang kuwalipikadong personalidad o kaya ay galing sa sektor ng turismo ang naturang ahensiya.

Sinabi ni Gordon na sakaling matuloy ang pag-upo ni Durano, lalabas na isa itong political accommodation dahil na rin sa tulong ng lalawigang sakop nito noong nakaraang eleksiyon.

Isa si Durano sa mga nagbigay ng malaking boto sa partido ni Pangulong Arroyo at mga kaalyado nito noong nakaraang halalan.

Nabatid na nagpaalam na ang mambabatas sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso ng mabalitang siya ang uupo sa DOT. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ACE DURANO

CEBU REP

DEPARTMENT OF TOURISM

DURANO

GORDON

PANGULONG ARROYO

ROBERT PAGDANGANAN

RUDY ANDAL

SENATOR RICHARD GORDON

SI REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with