Umaabot sa 180 session days mayroon ang Kongreso na limitado para sa mga araw ng Lunes, Martes at Miyerkules sa loob ng isang taon.
Sinabi ni Barbers na kung magkakaroon ng 100 session days na dire-diretso maliban sa araw ng Sabado at Linggo, ay mas makakatipid ang gobyerno sa pagsagot ng pamasahe ng mga kongresista.
Mapipilitan aniya ang mga mambabatas na hindi muna umuwi sa kani-kanilang probinsiya hanggat hindi natatapos ang itatakdang 100 session days.
"I was thinking more of a much lesser number of session days, 100 session days pero walang uwian. Tapusin natin ang trabaho o legislative work sa calendar year saka tayo mag-uwian to do political affairs and produce much better output," pahayag ni Barbers.
Idinagdag nito na mas magiging epektibo ang mga kongresista kung uunahin muna ang pagtapos sa mga legislative work bago umuwi sa kani-kanilang distrito.
Makakaluwag din aniya ang mga congressman sa kanilang schedule dahil lalabas na mahigit sa three months lamang ang ilalaan nila sa kanilang legislative works.
Nilinaw ni Barbers na pag-aaralan pa ring mabuti ang nasabing panukala bago iharap sa mahigit na 200 mambabatas. (Ulat ni Malou Rongalerios)