^

Bansa

'Walang uwian' itutulak sa Kamara

-
Upang makatipid ang gobyerno sa magastos na pamasahe ng mga kongresista na palaging umuuwi sa kanilang distrito pagkatapos ng tatlong araw na sesyon sa Kamara, isusulong ni Surigao del Norte Rep. Robert "Ace" Barbers ang dire-diretsong 100 session days.

Umaabot sa 180 session days mayroon ang Kongreso na limitado para sa mga araw ng Lunes, Martes at Miyerkules sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Barbers na kung magkakaroon ng 100 session days na dire-diretso maliban sa araw ng Sabado at Linggo, ay mas makakatipid ang gobyerno sa pagsagot ng pamasahe ng mga kongresista.

Mapipilitan aniya ang mga mambabatas na hindi muna umuwi sa kani-kanilang probinsiya hangga’t hindi natatapos ang itatakdang 100 session days.

"I was thinking more of a much lesser number of session days, 100 session days pero walang uwian. Tapusin natin ang trabaho o legislative work sa calendar year saka tayo mag-uwian to do political affairs and produce much better output," pahayag ni Barbers.

Idinagdag nito na mas magiging epektibo ang mga kongresista kung uunahin muna ang pagtapos sa mga legislative work bago umuwi sa kani-kanilang distrito.

Makakaluwag din aniya ang mga congressman sa kanilang schedule dahil lalabas na mahigit sa three months lamang ang ilalaan nila sa kanilang legislative works.

Nilinaw ni Barbers na pag-aaralan pa ring mabuti ang nasabing panukala bago iharap sa mahigit na 200 mambabatas. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

DAYS

IDINAGDAG

KAMARA

KONGRESO

LINGGO

MAKAKALUWAG

MALOU RONGALERIOS

MAPIPILITAN

NORTE REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with