^

Bansa

Bastos na mga tabloid nagkalat na naman

-
Kinalampag kahapon ni Gabriela Rep. Liza Maza ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa patuloy na pagdami ng mga malalaswang tabloid sa lansangan na naglalaman ng mga pornographic na larawan at artikulo.

Ayon kay Rep. Maza, dapat na ring pakialaman ng mga local government units ang mga bastos na tabloid na nagkalat sa kanilang nasasakupan at ipasara ang mga nag-iimprenta nito at hulihin at sampolan ng pulisya ang publishers upang matigil na ang ginagawa ng mga ito.

Hindi aniya sakop ng press freedom ang pagpapakalat ng pornographic materials sa lansangan na lumalason sa isipan ng mga kabataan,

Idinagdag nito na karaniwan sa mga nagtitinda ng diyaryo ay menor-de-edad at nagkakaron ang mga ito ng access sa malalaswang babasahin dahil sa malalaswang tabloids.

Kabilang aniya sa mga tabloid na dapat mawala sa lansangan ang Sisid, Boso, Katas, Sagad, Todo at Tigas na gumagamit ng larawan ng mga babae at lalaking nakahubad upang mabenta. May mga larawan din ng mga nagse-sex kung saan ipinapakita ang iba’t ibang posisyon.

"It is sickening and scandalous. What is even more appalling is that teenagers and children can easliy get hold of these sleazy materials," ani Maza.

Naapektuhan din aniya ng malaswang tabloids ang matitinong tabloids na karaniwang ginagaya ang hitsura upang lituhin ang mga bumibili.

Hangga’t hindi aniya nawawala sa mga lansangan ang mga malalaswang babasahin ay lumalabas na inutil ang NBI at PNP sa kampanya laban sa mga pornographic materials. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BOSO

GABRIELA REP

HANGGA

IDINAGDAG

LIZA MAZA

MALOU RONGALERIOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with