Ito ang sinabi kahapon ng isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan kaugnay sa nagaganap na bangayan sa minority sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nabatid sa source na personal na tinawagan ni Estrada ang limang congressman na sina Teofisto Guingona III (Bukidnon), Vincent Crisologo (Quezon City), Eduardo Firmalo (Romblon), Oscar Malapitan (Caloocan City) at Antonio Serapio (Valenzuela City) upang hilingin sa mga ito na suportahan si Escudero.
Magugunitang kumalas sa administrasyon si Escudero na nagsilbing senior deputy majority leader noong 12th Congress bago sumapit ang kampanyahan sa nakaraang presidential elections upang suportahan ang kandidatura ni FPJ. (Ulat ni Malou Rongalerios)