^

Bansa

Rep. Escudero ayaw kilalaning minority leader; botohan hirit

-
Sa halip na magkaisa, nahati sa tatlong grupo ang oposisyon sa House of Representatives matapos na hindi kilalanin nina Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at San Juan Rep. Ronaldo Zamora si Sorsogon Rep. Francis "Chiz" Escudero bilang bagong minority leader.

Ang tatlong mambabatas ang nakalaban ni Speaker Jose de Venecia sa Speakership kung saan pumangalawa sa bilangan si Escudero.

Nais ng grupo nina Paras at Zamora na muling magkaroon ng botohan para sa minorya upang malaman kung sino ang uupong minority leader.

Pero kung susundin ang tradisyon sa botohan ng Speaker, ang kandidato na nakakuha ng pangalawang pinakamaraming boto ang uupong minority leader.

Nagpatawag na kahapon ng minority caucus si Escudero pero hindi ito sinipot nina Paras at Zamora.

Sa isang panayam, sinabi ni Paras na hindi maituturing na "true blue" opposition si Escudero na kumalas lamang sa administrasyon nitong nakaraang eleksiyon.

Ayon sa isang source, posibleng nasaktan ang ego nina Paras at Zamora dahil hindi nila inaasahang masusungkit ni Escudero ang posisyon bilang minority leader.

Nabawasan din ang bilang ng minority members matapos bumalik sa mayorya sina Reps. Gerardo Espina (Biliran) at Danilo Lagbas (Misamis Oriental) na kapwa bumoto kay Paras at Janette Garin (Iloilo) na bumoto kay Zamora.

Sa tradisyon ng Kongreso, ang mga bumoto sa nanalong Speaker ang nagiging miyembro ng mayorya samantala ang bumoto sa natalong kandidato ang nagiging miyembro ng minorya o oposisyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DANILO LAGBAS

GERARDO ESPINA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JACINTO PARAS

JANETTE GARIN

MALOU RONGALERIOS

MISAMIS ORIENTAL

NEGROS ORIENTAL REP

RONALDO ZAMORA

ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with