^

Bansa

P28-B 'pork' ng congressman ipopondo sa 10pt. agenda ni PGMA

-
Pumayag na ang mahigit sa 200 kongresista na gamitin ang kanilang pork barrel sa 10-point agenda ni Pangulong Arroyo.

Ito ang ibinalita kahapon ni Speaker Jose de Venecia kaugnay sa kahilingan ni Pangulong Arroyo sa mga mambabatas na tumulong sa pagtupad ng kanyang mga programa.

Ayon kay de Venecia, aabot sa P15 hanggang P20 bilyon ang malilikom na pondo mula sa pork barrel ng mga mambabatas.

Mangangailangan aniya ang gobyerno ng P200 bilyon para maisakatuparan ang 10-point agenda ng Pangulo na inilatag niya sa kanyang inagurasyon.

Kaugnay nito, hinamon ni de Venecia ang 23 senador na ilaan rin ang ilang bahagi ng kanilang pork barrel para sa mga programa ng pamahalaan.

Kung papayag anya ang mga senador, hindi bababa sa P4.6 bilyon ang malilikom na pondo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

KAUGNAY

MALOU RONGALERIOS

MANGANGAILANGAN

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PUMAYAG

SPEAKER JOSE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with