Loi, Jinggoy susuporta kay GMA

Kahit hindi dumalo sa SONA, nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Pangulong Arroyo sina Senators Loi Ejercito at anak nitong si Jinggoy Estrada.

Sinabi ng dalawa na nakahanda nilang kalimutan ang nakaraan sa kapakanan ng bansa at handa nilang suportahan ang pamahalaan lalo na kung ang mga batas ay hinggil sa mga mahihirap na kababayan.

Tanggap din ng dalawa ang pagbabalik sa kanilang hanay ni Sen. Miriam Santiago sakaling magdesisyon ito na bumalik sa oposisyon.

Si Santiago ay kumalas sa K-4 noong nakaraang Linggo at nanatili itong independent pero sinuportahan naman nito si Sen. Aquilino Pimentel sa Senate presidency. Nilinaw ng mag-inang senador na nagpaalam sa kanila si Santiago ng lumipat ito sa K-4 kaya tanggap nila ito sa muling pagbabalik sa hanay ng oposisyon. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments