Ito ay kapalit ng buhay ni Angelo dela Cruz na binihag ng Iraqi Islamic Army-Khalid Bin al-Waleed Corps sa loob ng 17 araw.
Sa loob ng tatlong araw na pagpulso sa mga mamamayan ng HB & A Research International, mula Hulyo17-19, inilahad ni Managing Director Tony L. Abaya na kabilang sa tinutukan ay ang pagkuha sa antas ng pagsang-ayon, pagiging tama at pagsuporta ng mamamayan sa ginawang desisyon ng Pangulo.
Batay sa survey mula sa tanong na "Sang-ayon ba kayo sa pag-pull out ng tropang Pinoy sa Iraq?, lumalabas na 72% ang sumasang-ayon, 21% ang hindi sumasang-ayon at 7% ang di masabi.
Sa tanong na "Tama ba o hindi tama ang desisyon?", umabot sa 74% ang nagsabi na tama, 19% hindi tama at 7% hindi masabi. Sa tanong na "Susuportahan ba ninyo o hindi susuportahan ang desisyong pag-pullout sa tropang Pinoy sa Iraq?" ay nakapuntos ng malaki ang Pangulo. May 76% ang nagsabi na susuportahan nila ito, 16% hindi susuportahan at 8% hindi masabi. (Ulat ni Ellen Fernando)