^

Bansa

Mayorya ng Pinoy sinuportahan si PGMA

-
Sinuportahan ng mayorya sa mga residente ng Metro Manila si President Gloria Macapagal-Arroyo sa naging desisyon nito hinggil sa pagbabalik ng humanitarian mission na ipinadala sa Iraq.

Ito ay kapalit ng buhay ni Angelo dela Cruz na binihag ng Iraqi Islamic Army-Khalid Bin al-Waleed Corps sa loob ng 17 araw.

Sa loob ng tatlong araw na pagpulso sa mga mamamayan ng HB & A Research International, mula Hulyo17-19, inilahad ni Managing Director Tony L. Abaya na kabilang sa tinutukan ay ang pagkuha sa antas ng pagsang-ayon, pagiging tama at pagsuporta ng mamamayan sa ginawang desisyon ng Pangulo.

Batay sa survey mula sa tanong na "Sang-ayon ba kayo sa pag-pull out ng tropang Pinoy sa Iraq?, lumalabas na 72% ang sumasang-ayon, 21% ang hindi sumasang-ayon at 7% ang ‘di masabi.

Sa tanong na "Tama ba o hindi tama ang desisyon?", umabot sa 74% ang nagsabi na tama, 19% hindi tama at 7% hindi masabi. Sa tanong na "Susuportahan ba ninyo o hindi susuportahan ang desisyong pag-pullout sa tropang Pinoy sa Iraq?" ay nakapuntos ng malaki ang Pangulo. May 76% ang nagsabi na susuportahan nila ito, 16% hindi susuportahan at 8% hindi masabi. (Ulat ni Ellen Fernando)

A RESEARCH INTERNATIONAL

ELLEN FERNANDO

IRAQI ISLAMIC ARMY-KHALID BIN

MANAGING DIRECTOR TONY L

METRO MANILA

PANGULO

PINOY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

WALEED CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with