GMA at Angelo nagkita na
July 24, 2004 | 12:00am
Nagkadaupang-palad na rin kahapon sina Pangulong Arroyo at Angelo dela Cruz matapos na magkita at sabay magsimba sa milagrosong imahen ng Our Lady of Rosales sa Rosales, Pangasinan para magpasalamat sa maayos na hostage-taking sa Iraq.
Kasama ni dela Cruz ang kanyang buong pamilya na dumating sa Rosales sakay ng helicopter, maliban sa anak na si Jerick, 6 anyos, na naiwan sa Clark, Pampanga dahil may sakit.
Ilang minuto lamang ay dumating din ang Pangulo at dito naging mainit ang pagkakamay ng dalawa na sinaksihan ng daan-daang residente ng nasabing bayan na nagnanais na makita ang Pangulo at si dela Cruz na mahigit dalawang linggong laman ng mga pahayagan.
Mula pagka-senador ay sa naturang grotto na namamanata ang Pangulo at dito rin niya unang ipinagdasal ang isinagawang desisyong i-pull out ang buong tropa ng pamahalaan sa Iraq kapalit ng kalayaan at buhay ni dela Cruz.
Nagpasalamat naman si Angelo sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended