^

Bansa

"Text message kay Aglipay: 'Bilang na oras mo General! "

-
Tumanggap na ng ‘death threat’ sa kanyang cellphone si PNP Deputy Director General Edgardo Aglipay mula sa mga sindikato ng droga na nasagasaan ng kanyang pinaigting na kampanya laban sa bawal na gamot.

Ipinapalagay na ito’y bahagi ng operasyon upang hadlangan ang appointment nito bilang hepe ng PNP.

Nagbabanta ang mga sindikato at ginagamit nito ang naturang taktika dahil sa takot na tuluyang mabura ang Pilipinas sa mapa ng kanilang ilegal na operasyon.

Nangangamba ang mga hinihinalang operatiba ng drug syndicate sakaling maiupo bilang hepe ng pambansang pulisya si Aglipay ay tuluyan ng malumpo ang kanilang ilegal na negosyo.

Matatandaan na sa loob lamang ng isang taong pamumuno sa pinatinding kampanya laban sa ilegal na drogang inilunsad ni Pangulong Arroyo, malaking pinsala sa drug lords ang ginawa ni Aglipay na pagkumpiska sa P22 bilyong halaga ng shabu at ephedrine, gayundin ang pagkakasara ng 15 laboratoryo ng shabu at pitong warehouse ng mga ito.

Dahil dito, ginagamit na rin ng sindikato ang iba pang pamumulitika, kabilang na ang panggugulo nito sa isipan ng mamamayan, at pagpapalutang sa dating batas o Republic Act 6975 na nagbabawal sa sinumang opisyal na magreretiro sa serbisyo sa loob ng anim na buwan na maitalaga pa bilang hepe ng pambansang pulisya.

Ginagawa ng mga ito ang lahat ng paraan upang mabahiran ng pagdududa ang pinagtibay na batas o RA 8551, kung saan batay sa Section 25, isinasaad nito na maliban sa posisyon bilang hepe ng pulisya, walang sinumang opisyal ang maaaring italaga sa mas mataas na puwesto kung ito ay hindi na tatagal ng isang taon sa serbisyo bago ang pagreretiro sa edad na 56.

Si Aglipay ay nagtala ng pinakamataas na bilang ng nasakote laban sa droga na umabot ng 32,762 katao sa paglilinis sa 5,140 barangay sa bansa batay sa ulat ni PNP chief Director Gen. Hermogenes Ebdane.

AGLIPAY

DAHIL

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGARDO AGLIPAY

DIRECTOR GEN

GINAGAWA

HERMOGENES EBDANE

IPINAPALAGAY

PANGULONG ARROYO

REPUBLIC ACT

SI AGLIPAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with