Sinabi ni Sen. Pimentel na nalulungkot siya sa sinapit ni dating Agriculture Sec. Luis Lorenzo na sinibak sa puwesto dahil natalo si GMA sa lalawigan nito sa Davao del Sur bukod sa pagtangging ipagamit ang agricultural modernization fund sa pangangampanya upang gamitin sa pagbili ng mga fertilizer at pesticides na ipamamahagi sa mga magsasaka,
Aniya, ang nangyari kay Lorenzo ay tulad ng dinanas din ni dating DILG Sec. Joey Lina kung saan ay natalo si GMA sa bayan nito sa Laguna.
Ayon sa senador na tumatayong acting minority leader, konsuwelo de bobo na lamang ang ginawang pagtatalaga kay Lorenzo bilang adviser on countryside development at pagiging chairman ng Land Bank of the Philippines at Quedancor.
Wika pa ni Pimentel, malinaw na utang na loob ang pinaiiral ni GMA matapos italaga nito si dating NFA administrator Arthur Yap na kapalit ni Lorenzo sa DA dahil sa naging kontribusyon nito sa Oplan Mercury kung saan ay pumayag siyang ipamahagi ang mga bigas ng NFA sa mga natukoy na balwarte ni FPJ sa Mindanao. (Ulat ni Rudy Andal)