Drug lords gigibain si Aglipay
July 22, 2004 | 12:00am
Nabunyag kahapon ang plano ng mga sindikato ng droga na nasagasaan ng operasyong inilunsad ni Deputy Director General Edgardo Aglipay na hadlangan ang posibilidad na siyay matalagang hepe ng Phil. National Police (PNP).
Ayon sa isang impormante, matinding napilayan ang ilegal na negosyo ng shabu simula nang mailuklok si Aglipay bilang pinuno ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF).
Desidido ang sindikato na pigilan ang pag-upo nito bilang hepe ng PNP dahil sa takot na tuluyang mabura ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa, anang source sa PNP.
Pinipilit nilang gamitin ang lahat ng paraan, kabilang na ang pagbali sa nilalaman ng Section 25 ng Republic Act 8551 na sumasaklaw sa termino ng panunungkulan ng mga itatalagang opisyal ng pulisya.
Sa ilalim ng naturang batas, maliban sa posisyon bilang hepe ng pulisya, wala sinumang opisyal ang maaaring italaga sa mas mataas na puwesto kung ito ay hindi na tatagal ng isang taon sa serbisyo bago ang pagreretiro sa edad na 56.
Sa panggugulo ng mga operatiba ng sindikato, pilit nitong ginagamit ang batas o RA 6975 na nagbabawal naman sa sinumang magreretiro na sa serbisyo sa loob ng anim na buwan na maitalaga bilang hepe ng pambansang pulisya.
Subalit ang naturang pagkilos ay tuwirang naibasura matapos magbigay ng paglilinaw ang batikang abogado at dating Dean ng Ateneo Law School na si Rev. Fr. Joaquin Bernas, SJ patungkol sa RA 8551.
Ayon kay Bernas, sa ilalim ng naturang batas, walang sinumang opisyal ng PNP ang maaaring bigyan ng promosyon kung hindi na tatagal pa ng isang taon sa serbisyo, maliban sa hepe ng pulisya.
Malaking banta sa mga sindikato ang maugong na suportang ibinigay ng 15 regional directors para kay Aglipay upang pamunuan ang PNP sa isang command conference na ginawa sa Subic noong April 2004, sapagkat lalong mapapabilis ang pagwalis nito sa kanilang ilegal na operasyon.
Sa loob lamang ng isang taon, itinuturing na pinakamatagumpay sa kasaysayan ng pulisya ang pinatinding pagkilos ng PNP-AIDSOTF sa pamumuno ni Aglipay upang labanan ang ilegal na droga sa bansa.
Matatandaan na walang takot na tinutugaygayan hanggang sa maipasara ni Aglipay ang 15 laboratoryo ng shabu at pitong warehouse sa ibat ibang bahagi ng bansa. Umabot sa P22 bilyong halaga ng shabu at ephedrine ang nasamsam ng pulisya at napigilang maibenta sa lansangan.
Nakasakote rin ito ng 32,762 kataong sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa ginawa nitong paglilinis sa 5,140 barangay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest