^

Bansa

Pinay entertainers pinag-iingat ng DFA, DOLE

-
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang Pilipino na mag-ingat dahil sa patuloy na pambibiktima ng mga dayuhang Hapones na nagrerecruit ng mga Filipina entertainers sa Japan kung saan nauuwi sa pagiging guest relations officers (GROs) at prostitutes.

Ito ay kasunod sa naging reklamo ng mga Pinay entertainers at pagsasampa ng patong-patong na kaso sa National Bureau of Investigation-Special Task Force laban sa mag-asawang Japanese national na sina Tatsuhiko Ogata, pangulo ng OJ Planning Inc, ng Green Bldg., 2F 13-20 Mutsumon-Machi, Kurume City, Fukuoka Pref., at si Junko Ogata, nasa hustong gulang, nagmamay-ri ng Mutsumon-Machi, Kurume City, Fukuoka Pref., pawang sa Japan.

Kinasuhan rin ang umano’y mga bugaw na sina Roland Esguerra at Carlito Basa alyas Lito, ng Megs Training Center Inc. na matatagpuan sa No. 51 Ilang-Ilang St., San Pedro IX Subd., Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Anila, halos buwan-buwan umanong pumupunta sa Pilipinas ang mag-asawang Ogata upang mangalap ng mga kabataang babae na pangangakuan ng trabaho bilang dancer at singer sa mga pag-aari nitong club sa Japan.

Gayunman, imbes na dancer at singer, GRO at prostitusyon ang umano’y kinasasadlakan na trabaho ng mga Pinay.

Iniimbestigahan na ng DFA at NBI ang VM Promotion & Management Coporation ng No. 375 ABC RAMAGI Building, 1081 Pedro Gil St., Paco, Manila dahil sa umano’y ito ang nagpo-proseso ng mga dokumento ng mga biktima upang makakuha ng visa patungong Japan.

Nabatid na mula sa napagkasunduang suweldo ay mas maliit ang natatanggap ng mga entertainers bukod pa sa iba ang kanilang kinasadlakang trabaho. Pinipilit umanong pagsuotin sila ng t-back panty at bra.

Batay sa pinirmahan umanong employment contract nina Ogata at isang Virgilio Hipolito ng VM Promotion, dapat ay tatanggap kada buwan ng 100,000 yen (US$1,000) suweldo ang mga professional singer at 30,000 yen (US$1,500) para sa kanilang allowance.

"Three performance per night. Additional performances shall be paid accordingly. Four rest days a month the artist shall not be made to perform other duties or engage in unauthorized activities such as hostessing and waiting on tables," nakasaad sa kontrata na hindi umano nasusunod. (Ulat ni Ellen Fernando)

CARLITO BASA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

FUKUOKA PREF

GREEN BLDG

ILANG-ILANG ST.

JUNKO OGATA

KURUME CITY

LABOR AND EMPLOYMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with