Sinabi ni Sen. Pimentel, napakahirap ang ginagawang desisyon ng Arroyo administration subalit ipinakita lamang nito na mas mahalaga ang buhay ng bawat Filipino kaysa sa sasabihin ng iba.
Ayon kay Pimentel, isang kahanga-hanga ang ginawang desisyon ng gobyerno at hindi ito karuwagan dahil pinahalagahan nito ang buhay ng isang Filipino na nasa bingit ang kanyang buhay.
"That is not cowardice but a supreme show of concern for a Filipino whose life is in danger," giit ni Pimentel.
Sinabi pa ng senador na binigyang halaga lamang ng ating gobyerno ang buhay ng isang OFW kaya minabuti nitong pauwiin ang humanitarian contingent na nasa Iraq bilang pagtalima sa kondisyon ng Iraqi militants na bumihag kay dela Cruz.
"What important is we remain firm in our determination to fight terrorism. At the same time we have to try our utmost to free dela Cruz from the hands of his captors," dagdag ni Pimentel. (Ulat ni Rudy Andal)