Total pullout ngayon
July 19, 2004 | 12:00am
Inaasahang makakaalis na ngayong araw sa Iraq ang huling pangkat ng mga sundalong bumubuo sa humanitarian contingent ng Pilipinas na tumutulong sa United States sa rehabilitasyon ng naturang bansa.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Sec. Delia Domingo Albert kaugnay ng sinimulang unti-unting pag-aatras sa tropa ng Pilipinas sa layuning sagipin ang buhay ng Pilipinong truck driver na si Angelo dela Cruz na nasa kamay ng mga militanteng Iraqis.
Tiniyak ng mga hostage takers na palalayain lamang si dela Cruz kapag ganap nang naialis sa naturang bansa ang contingent ng Pilipinas.
Kung isasagawa ang pag-pullout sa natitirang 32 RP contingent ngayong araw ay naibigay ng pamahalaan ang huling demand ng Islamic Army of Iraq na July 20 deadline para sa kumpletong pag-withdraw ng tropa ng mga Pinoy doon kapalit ng kalayaan ng bihag.
"The remaining members of the Philippine humanitarian contingent are finalizing the turnover of their responsibilities," ani Albert.
Sinabi ni Albert na ang RP troops ay sasamahan ni special envoy to the Middle East Roy Cimatu para sa kanilang exit call.
"After the call, the remaining contingent will then proceed to Kuwait and from there return to Manila by commercial flight," dagdag ni Albert.
Nabatid na ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang siyang mamamahala sa "return flight" ng tropa ng mga Pinoy at ang eksaktong araw at oras ng kanilang pagdating sa Pilipinas ay agad na iaanunsyo ng DFA.
Inaasahan namang darating na sa bansa ngayong araw si RP contingent chief Brig. Gen. Jovito Palparan kasama ang 10 tauhan nito mula sa Kuwait matapos na mag-alsabalutan sa Iraq bilang bahagi pa rin ng pullout order ng Malacañang.
Inaasahang darating bandang alas-3 ng madaling-araw ngayon sa Pilipinas ang grupo ni Palparan sakay ng Qatar Air flight QR-644 mula sa Kuwait.
Samantala, sinabi ng isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malamang na sabay na umuwi ng Pilipinas si dela Cruz at ang asawang si Arsenia.
Si Arsenia kasama ang kapatid ni Angelo na si Jesse,32 at Labor Sec. Patricia Sto. Tomas ay magkakasamang nasa Jordan at naghihintay ng kaganapan sa isinasagawang negosasyon sa pagitan ng grupo ng pamahalaan sa katauhan ni Cimatu at ng grupong Khalid Bin al-Waleed na bumihag sa nabanggit na Pinoy truck driver.
Sinabi ni DOLE Central Luzon Director Josefino Torres sa isang pulong balitaan kasama si Social Welfare Asst. Sec. Alicia Bala na mas maganda kung magkasabay na umuwi sa kanilang tahanan sa Brgy. Buenavista, Mexico, Pampanga ang mag-asawang dela Cruz.
Ayon kay Torres, naimpormahan na rin si Arsenia tungkol sa kanyang 4-anyos na anak na si Jeffrey na dinala noong Biyernes sa Angeles University Foundation Medical Center dahil sa sakit na acute bronchitis na muntik nang mauwi sa pneumonia.
Hindi na rin aniya masyadong nag-alala si Arsenia nang malamang nasa maayos nang kalagayan at kasalukuyang ginagamot ang bunsong anak.
Sa kabilang dako, dinumog ng mga foreign mediamen ang paligid ng Embahada ng Pilipinas sa Iraq upang makakuha ng impormasyon sa inaasahang paglaya ni dela Cruz.
Ayon sa report, maging ang mga dayuhang mamamahayag ay nagsagawa na ng apat na araw na vigil dahil sa pag-aantabay sa pagpapalaya kay dela Cruz at nagbabakasakaling makakuha ng balita sa mga Filipino officials sa Embahada. (Ulat nina Ellen Fernando at Marvin Sy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest