Bodyguard ni Rosebud sinibak
July 18, 2004 | 12:00am
Sinibak kahapon sa kanyang puwesto ang chief security na itinalaga ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) para mangalaga sa seguridad ng kontrobersiyal na dating PNP Narcotics agent na si Mary Ong alyas Rosebud matapos matuklasang ito umano ang nagpapadala ng death threat sa huli.
Ayon kay Rosebud, mismong si Staff Sgt. Vivencio Hapa ng Phil. Navy ang nagpapadala sa kanya ng text messages na nananakot.
Si Hapa ay team leader ng kanyang close-in security at palagiang nakadikit sa lahat ng kanyang mga lakad.
Malaki ang kutob ni Rosebud na ang ginagawang pananakot sa kanya ni Hapa ay para umalis ito sa pangangalaga ng ISAFP.
Nagkasunud-sunod umano ang natanggap na text messages ni Ong na puro pananakot na may mangyayari sa kanyang masama at sa ginawang imbestigasyon ay dito natuklasang ito ay nagmula kay Hapa.
Si Rosebud ang pangunahing testigo ng pamahaalan laban sa umanoy mga iligal na aktibidades ni Sen. Panfilo Lacson na kasalukuyang kinakanlong ng ISAFP. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 21 hours ago
By Doris Franche-Borja | 21 hours ago
By Ludy Bermudo | 21 hours ago
Recommended