Ang paghirang kay Cusi ay kasunod ng promosyong kaloob ng Pangulo kay Manda bilang undersecretary sa Office of the President.
Ayon sa isang opisyal ng Palasyo, bagaman inalis sa NAIA si Manda, ang puwesto niya sa Malacañang ay isang promosyon dahil bibigyan ito ng mas malawak na responsibilidad.
Si Manda ay kabilang sa ilang piling opisyal na malapit at pinagtitiwalaan ng Pangulo at First Gentleman Mike Arroyo.
Dati siyang treasurer ng Lualhati Foundation na may kinalaman sa pangingilak ng pondo para sa mga proyektong pangkawanggawa ng First Family nang ang Pangulo ay bise presidente pa lang ng bansa.
Nitong nakaraang kampanyahan, si Manda ay nagbakasyon sa NAIA para maituong pansin ang trabaho sa pagpapalakas ng kampanyang pulitikal ng Pangulo sa Cebu.
Lumutang naman ang pangalan ni Maritime Industry Administrator Oscar Sevilla na kapalit ni Cusi sa PPA. (Ulat ni Lilia Tolentino)