Cusi bagong airport manager
July 17, 2004 | 12:00am
Itinalaga ni Pangulong Arroyo si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Alfonso Cusi bilang bagong general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) kapalit ni Edgar Manda.
Ang paghirang kay Cusi ay kasunod ng promosyong kaloob ng Pangulo kay Manda bilang undersecretary sa Office of the President.
Ayon sa isang opisyal ng Palasyo, bagaman inalis sa NAIA si Manda, ang puwesto niya sa Malacañang ay isang promosyon dahil bibigyan ito ng mas malawak na responsibilidad.
Si Manda ay kabilang sa ilang piling opisyal na malapit at pinagtitiwalaan ng Pangulo at First Gentleman Mike Arroyo.
Dati siyang treasurer ng Lualhati Foundation na may kinalaman sa pangingilak ng pondo para sa mga proyektong pangkawanggawa ng First Family nang ang Pangulo ay bise presidente pa lang ng bansa.
Nitong nakaraang kampanyahan, si Manda ay nagbakasyon sa NAIA para maituong pansin ang trabaho sa pagpapalakas ng kampanyang pulitikal ng Pangulo sa Cebu.
Lumutang naman ang pangalan ni Maritime Industry Administrator Oscar Sevilla na kapalit ni Cusi sa PPA. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Ludy Bermudo | 14 hours ago
Recommended