Judge nanghipo ng abogada at staff,sinuspinde ng SC
July 16, 2004 | 12:00am
Dahil sa panghihipo sa isang abogada at empleyada, sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang isang hukom ng Cebu City Regional Trial Court.
Sa 10-pahinang resolution na sinulat ni Associate Justice Renato Corona, sinuspinde ng anim na buwan ng SC si Judge Anacleto Caminade ng Cebu City RTC Branch 6 matapos na paghihipuan nito si Atty. Grace Veloso, abogada ng Public Attorneys Office at Ma. Joeylyn Quinones, clerk III ng nasabing korte.
Si Caminade ay napatunayang guilty sa paglabag sa Canons 3 at 4 ng New Code of Judicial Conduct kaya ito ay mabilis na isinailalim sa suspension ng SC.
Binalaan din ng SC ang nabanggit na hukom na kung uulitin nito ang nasabing kaso ay hindi mangingimi ang korte na sibakin ito sa kanyang trabaho at tanggalan ng benepisyo bilang hukom.
Batay sa rekord ng korte, bigla na lamang umanong hinalikan sa kamay at pinisil sa hita ni Caminade si Veloso sa loob ng chamber nito habang nagdidiskusyon sila sa isang kaso.
Dahil dito, mabilis umanong lumabas si Veloso sa loob ng chamber ni Caminade at agad din nagpalipat ng assignment.
Habang si Quinones naman ay inireklamo din si Caminade ng parehong kaso dahil tuwing mag-aabot umano ito sa nabanggit na hukom ng mga case records ay palagi na lamang nitong pinipisil ang kanyang kamay at minsan na rin siyang hinalikan sa loob ng chamber nito.
Subalit, ikinatuwiran naman ni Caminade na nagiging "palakaibigan" lamang umano siya at dapat lamang na hindi ito binigyan ng malisya ng kanyang staff.
Ngunit ipinaliwanag naman ng SC na sinamantala ni Caminade ang kanyang posisyon upang abusuhin ang kanyang mga staff. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest