^

Bansa

Angelo dinala na sa bitayan

-
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatanggalin na ang 51-member ng RP humanitarian contingent sa Iraq matapos ipalabas ng Al Jazeera television network ang bagong video footage ni Angelo dela Cruz at ihayag na dinala na sa execution site ng Islamic Army ang bihag kahapon ng madaling araw bilang paghahanda sa pagpugot sa ulo nito sa sandaling hindi mapagbigyan ang kanilang demand na i-pull out ang tropang Pinoy.

Nabatid sa ipinalabas na tugon ng gobyerno ng Pilipinas na napanood sa Islamic television Al-Arabia, nakahanda na silang yumukod sa kahilingan ng Khaleed bin Waleed Brigade hinggil sa troop pull out sa Iraq.

Ang statement ay binasa mismo ni Philippine Deputy Foreign Affairs Secretary Rafael Seguis sa Al-Jazeera TV.

Hindi naman nilinaw ni Seguis ang takdang oras ng dapat na pag-pull out sa contingent bagaman magtatapos ang taning ng pagpugot ngayong alas-2 ng madaling araw matapos ang panghuling 48-oras ultimatum ng Iraqi militants.

Ang 51-man team ay binubuo ng 43 sundalo at walong pulis at nakatakda sanang pauwiin sa darating na Agosto 20. Nakatalaga sila sa tatlong station sa Iraq at isa sa Kuwait kaya inaasahang hindi sabay-sabay ang mga itong mag-withdraw dahil na rin sa limitadong transportasyon.

Bilang reaksiyon ay sinabi naman ni AFP-PIO chief Lt. Col. Daniel Lucero na wala pa silang natatanggap na order para sa troops pull out at hinihintay pa nila ang kautusan ng Palasyo bago isagawa ang bagay na ito.

Ayon pa kay Lucero, magiging batch by batch o unti-unti ang gagawing paglisan ng RP troops.

Sa panig naman ni PNP spokesman P/Chief Supt. Joel Goltiao, anumang oras ay maaari na nilang pauwiin ang tropa ng pulisya sa Iraq na kabilang sa humanitarian mission.

Kaugnay nito, nananalangin ang pamilya dela Cruz na sana ay hindi pa huli ang desisyon ng gobyerno sa pag-withdraw ng kanilang puwersa sa Iraq.

Magugunitang bandang alas-2 ng madaling araw kahapon nang ipakita ang nasabing footage sa Al Jazeera TV na nagsisilbing channel ng komunikasyon ng negotiating team ng Pilipinas sa pamumuno ni Seguis at special envoy Roy Cimatu na kasalukuyang nasa Baghdad.

Sa naturang video ay nakaluhod si dela Cruz habang nasa likod nito ang mga rebeldeng may piring ang mga mata at may hawak na matataas na kalibre ng baril.

Samantala, hiniling naman ni Angelo na ihatid sa Pilipinas ang kanyang bangkay kung saka-sakali na mapugutan ito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pormal na kautusan ang Malacañang sa AFP kaugnay sa pull out ng tropa. (Ulat nina Ellen Fernando at Joy Cantos)

AL JAZEERA

ANGELO

CHIEF SUPT

CRUZ

DANIEL LUCERO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

ISLAMIC ARMY

JOEL GOLTIAO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with