Lacuna kastiguhin -NPC
July 13, 2004 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang National Press Club of the Philippines (NPC) kay bagong talagang DILG Sec. Angelo Reyes na imbestigahan ang umanoy ginawang pagmumura at paghahamon ng away ni Manila Vice Mayor Danny Lacuna sa NPC director at publisher ng isang tabloid sa isang restaurant sa Ermita noong nakaraang Biyernes ng gabi.
Base sa press statement ng pamunuan ng NPC, mayroong sapat na dahilan ang DILG upang magkaroon ng imbestigasyon at masampahan ng kasong grave misconduct at act unbecoming of a public official laban kay Lacuna.
Isa umanong sampal sa prospesyon ng mga mamamahayag ang inasal ni Lacuna ng pagmumurahin, duruin at hamunin ng away ang publisher/editor-in-chief ng tabloid na Saksi na si Joey Venancio.
Magugunita na noong nakaraang Biyernes ng gabi sa Cafe de Malate habang nakikipagkuwentuhan si Venancio kina dating DOTC Sec. Bebot Alvarez, Phil. Daily Inquirer publisher Isagani Yambot at retired Phil. Coast Guard chief Vice Admiral Reuben Lista ng biglang lapitan at pagmumurahin ni Lacuna na noon ay lasing umano sa alak, si Venancio.
Hindi pa umano nakuntento ay hinamon ni Lacuna ng away si Venancio na hindi naman pinatulan ng huli. Naawat lang ang bise alkalde sa pagwawala ng pumagitna na sina Alvarez, Lista, Yambot at ang kasama ni Lacuna na si Laguna Gov. Dan Fernandez.
Samantala bilang tulong, nag-alok si Jerry Yap, NPC director, ng tulong legal para kay Venancio kabilang dito ang pagbibigay ng abugado na magtatanggol sa huli sa sandaling magsampa ito ng kaso laban kay Lacuna. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest