4,000 pulis na nagtanggol sa Malacañang mapo-promote
July 12, 2004 | 12:00am
Mahigit 4,000 pulis na nagtanggol sa Palasyo ng Malacañang sa kainitan ng May 1 siege noong 2001 ang tatanggap ng promosyon bilang bahagi ng kanilang reward mula sa gobyerno.
Ito ang nabatid kahapon kay P/Dir. Jose Lalisan Jr., director for personnel records and management kung saan hahatiin sa dalawang batch ang promosyon ng magigiting na pulis.
"The first batch will be composed of 1,300 policemen and their papers have been forwarded to the Civil Service Commission (CSC) for attestation," ani Lalisan.
Aniya, kinakailangang maisapinal na ng CSC ang promosyon ng unang batch ng mga pulis sa loob ng 30 araw at susunod naman ang 3,000 pulis para sa second batch.
"The police are now civilian in nature thats why their promotion needs to be submitted and attested by the CSC first before it becomes final," ani Lalisan.
Ang promosyon ng mga pulis ay inaprubahan na ng National Police Commission (Napolcom) at nasabing kautusan ay nilagdaan na rin ng PNP.
Magugunita na noong May 1, 2001 ay nilusob ng mga nagwawalang supporters ni dating Pangulong Joseph Estrada ang Malacañang sa bigong pagpapabagsak sa Arroyo administration. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 9 hours ago
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Ludy Bermudo | 9 hours ago
Recommended