^

Bansa

Agriculture Sec. nag-resign

-
Nagbitiw na rin sa puwesto si Agriculture Secretary Luisito Lorenzo at agad namang hinirang ni Pangulong Arroyo si NFA Administrator Arthur Yap bilang kapalit nito.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Lorenzo na walang "pressure" na ginamit sa kanya para magbitiw sa puwesto gaya nang napapaulat.

Gayunman, sinabi ni Lorenzo na bagamat aalis siya sa DA, patuloy pa rin siyang tutulong sa pamahalaan sa larangan ng agrikultura laluna sa pagpapatupad ng pangakong 10 million jobs ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay Lorenzo, malaking bahagi ng 10 milyong trabaho ay inilaan ng pamahalaan sa sektor ng pagsasaka at pangisdaan.

Ipinagmalaki ni Lorenzo na sa panahon ng kanyang panunungkulan sa DA, nagawa niyang maisulong ng malaki ang pagpapaunlad sa sektor na ito.

Inihayag rin nito ang pagtanggap sa alok ng Malacañang na maging chairman ng Land Bank of the Philippines at Quedan Corp.

Pinasalamatan din ni Lorenzo ang iba pang opisyales at mga empleyado ng DA sa ginawang pagsuporta sa kanya sa panahon ng kanilang panunungkulan.

Samantala, itinalaga naman ng Pangulo si Navy Admiral Ariston delos Reyes bilang vice chief of staff. Ssi Admiral delos Reyes ay dating deputy chief of staff at siya ang pumalit sa nagretiro nang si Vice Chief of staff Gen. Rodolfo Garcia. (Ulat nina Lilia Tolentino/Angie dela Cruz)

ADMINISTRATOR ARTHUR YAP

AGRICULTURE SECRETARY LUISITO LORENZO

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

LILIA TOLENTINO

LORENZO

MALACA

NAVY ADMIRAL ARISTON

PANGULONG ARROYO

QUEDAN CORP

REYES

RODOLFO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with