^

Bansa

100 days moratorium sa Cha-cha ipaiiral

-
Hindi na muna pag-uusapan sa papasok na 13th Congress ang Charter change o pag-amyenda sa Konstitusyon at ang uunahin ay ang pagpasa ng mga panukalang batas na may kaugnayan sa buwis.

Mismong si Speaker Jose de Venecia na isa sa mga nagsusulong ng Cha-cha ang magpapanukala kay Pangulong Arroyo na itigil muna ang pag-uusap sa Charter change pero sa loob lamang ng 100 araw.

Sa isang press conference, sinabi ni de Venecia na mas dapat unahin ng Kongreso ang pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa paglikom ng pondo para sa gobyerno.

Kabilang sa mga tax measures na isusulong sa House of Representatives ay ang pagdadagdag ng buwis sa mga ‘sin’ products, text messages, hotels at inns at ang gross taxation na una nang binanggit ni Pangulong Arroyo sa kanyang inagurasyon.

Hihikayatin rin ni de Venecia ang Senado na huwag na munang talakayin ang Cha-cha hanggang hindi naipapasa ang mga panukalang batas na makakatulong sa 10-point economic agenda ng Pangulo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

HIHIKAYATIN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KABILANG

KONGRESO

KONSTITUSYON

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

SPEAKER JOSE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with