Sa kanyang talumpati sa Overseas Employment Summit 2004 sa PICC kahapon, sinabi ng Pangulo na si Jaylo ang tutugis sa mga illegal na nangangalap ng manggagawa, hahabol sa mga nasa likod ng pagpapalabas ng pekeng passport at visa at mga recruiters na kumakalap ng kababaihan para magbenta ng aliw.
Ang task force ay pagkakalooban ng Pangulo ng pondong P10 milyon para puspusang maitaguyod ang kampanya ng kanyang administrasyon laban sa illegal recruitment.
Bilang pinuno ng task force, inatasan ng Pangulo si Jaylo na itaas sa parusang habambuhay na pagkabilanggo ang pataw sa illegal recruitment dahil ito ay isang pananabotaheng pulitika lalo nat ang gumawa nito ay sindikato.
Kailangan din anyang kilalanin ni Jaylo ang mga nasa likod ng "escort system" at mga tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration and Deportation at NAIA. (Ulat ni Lilia Tolentino)