^

Bansa

Jaylo inatasan ni GMA na tugisin ang illegal recruiter

-
Itinalaga ni Pangulong Arroyo si Police Capt. Reynaldo Jaylo bilang pinuno ng bagong tatag na Presidential Task Force on Illegal Recruitment.

Sa kanyang talumpati sa Overseas Employment Summit 2004 sa PICC kahapon, sinabi ng Pangulo na si Jaylo ang tutugis sa mga illegal na nangangalap ng manggagawa, hahabol sa mga nasa likod ng pagpapalabas ng pekeng passport at visa at mga recruiters na kumakalap ng kababaihan para magbenta ng aliw.

Ang task force ay pagkakalooban ng Pangulo ng pondong P10 milyon para puspusang maitaguyod ang kampanya ng kanyang administrasyon laban sa illegal recruitment.

Bilang pinuno ng task force, inatasan ng Pangulo si Jaylo na itaas sa parusang habambuhay na pagkabilanggo ang pataw sa illegal recruitment dahil ito ay isang pananabotaheng pulitika lalo na’t ang gumawa nito ay sindikato.

Kailangan din anyang kilalanin ni Jaylo ang mga nasa likod ng "escort system" at mga tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration and Deportation at NAIA. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

ILLEGAL RECRUITMENT

JAYLO

LILIA TOLENTINO

OVERSEAS EMPLOYMENT SUMMIT

PANGULO

PANGULONG ARROYO

POLICE CAPT

PRESIDENTIAL TASK FORCE

REYNALDO JAYLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with