PGMA Guest of Honor sa PAF 57th Anniversary

Pangungunahan ni Pangulong Arroyo ang gaganaping ika-57 anibersaryo ng Phil. Air Force (PAF) sa Villamor Air Base sa Pasay City sa darating na Miyerkules.

Ito ang inihayag kahapon ni PAF Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla kasabay ng paglilinaw na Hulyo 1 ang talagang anibersaryo ng PAF subalit dahil sa hectic schedule ng Pangulong Arroyo ay itinakda ito sa Hulyo 7.

Sinabi ni Padilla na ang okasyon ay pasisimulan sa tradisyunal na flag raising ceremony bandang alas-7 ng umaga na siyang hudyat ng makasaysayang pagtitipon sa pagkakatatag ng Hukbong Panghimpapawid ng bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments