^

Bansa

Opis ni Kabayan napunta kay Lacson

-
Ipinaubaya na lamang ni Sen. Jinggoy Estrada kay Sen. Panfilo Lacson ang pag-okupa sa iniwang opisina ni Vice President Noli de Castro sa Senado.

Ayon kay dating Rep. Simeon Garcia, chief of staff ni Sen. Jinggoy, para hindi na lumaki ang isyu ay ipinabatid nila kay Senate Secretary Oscar Yabes na para hindi na pagmulan ng sigalot ang opisina ni Kabayan ay handa na nilang ipaubaya ito kay Sen. Lacson.

"Nagpasabi na ako kay Sec. Yabes na bigyan na lamang kami ng ibang opisina at ipapaubaya na lamang namin kay Lacson ang opisina ni Kabayan dahil siya naman ang senior dito at ibang kuwarto na lamang na available ang aming kukunin," wika pa ni Garcia.

Aniya, naging interesado lamang naman sila na kunin ang kuwarto ni Kabayan dahil sa pag-aakalang walang mag-ookupa nito pero ng biglang sinabi ng mga staff ni Lacson na ipinangako na ito ni de Castro kay Lacson ay handa naman silang magbigay.

Magugunita na naging isyu ang pag-aagawan sa kuwarto ni Kabayan sa pagitan ng mga staff nina Lacson at Jinggoy hanggang sa iutos kamakalawa ni Yabes na ipadlock ito.

Ipinaliwanag pa ni Garcia, nagkaroon lamang ng miscommunication kaya inakala tuloy na nag-aagawan sila ni Lacson sa kuwartong iniwan ni Vice President de Castro. (Ulat ni Rudy Andal)

GARCIA

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

KABAYAN

KAY

LACSON

PANFILO LACSON

RUDY ANDAL

SENATE SECRETARY OSCAR YABES

SIMEON GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with