P10-M danyos hingi sa Obispo
July 3, 2004 | 12:00am
"Dapat ikalaboso ang obispong malisyoso."
Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga empleyada ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nang magsampa ng demanda laban kay Lingayen, Pangasinan Archbishop Oscar Cruz na tumawag sa kanilang mga "GRO" nang silay magsilbing usherette sa birthday party ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo noong isang linggo.
Ang mga naturang kawani ay pormal na nagsampa ng reklamo kahapon sa Office of the City Prosecutor ng Maynila at humihingi sila ng danyos na P10 milyon mula sa obispo dahil sa pagyurak sa kanilang reputasyon. Bukod dito, humihingi pa sila ng P5 milyong exemplary damage at P1 milyong bayad sa kanilang abogado.
Naunang pinaratangan ni Cruz ang PAGCOR na ginawang mga GRO ang kanilang mga kawani na tagapagbigay ng aliw sa mga panauhin ng Unang Ginoo.
Labis itong ikinagalit ng mga empleyada na nagsabing isang disenteng pagtitipon ang naganap na dinaluhan pa mismo ni Presidente Arroyo, Bise Presidente Noli de Castro at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa mga nagrereklamo, hindi lamang ang kanilang reputasyon bilang respetadong PAGCOR employees ang lubhang naapektuhan kundi na rin ang kani-kanilang mga pamilya ng ipalathala ni Cruz sa mga pahayagan na nagsilbi silang mga GRO sa birthday party ni FG Arroyo.
Nilinaw ng mga empleyado na boluntaryo silang dumalo sa okasyon para magsilbing usherette dahil isang malaking karangalan para sa kanila ito.
"Some of us assisted guests who came to see a photo exhibit near the entrance of partys venue; some of us attended to guests who were lining up for food at the segregated buffet area; most of us guided guests to their seats and immediately returned to the reception area to usher in the newly arrived guests; but no one of us acted as GROs or hostesses to entertain the First Gentleman or his guests, as otherwise alleged by Cruz," nakasaad sa sinumpaang salaysay ng mga complainant.
Nang matiyak anya nilang wala nang darating pang bisita ay nag-break na sila at umupo sa isang lamesa saka umuwi bandang alas-2 ng madaling araw.
Malaki anyang kasinungalingan ang sinabi ni Cruz na may iba pang ginawa ang mga PAGCOR employees bukod sa trabaho ng usherette.
"Bilang alagad ng Diyos, dapat alam ni Archbishop Cruz kung ano ang kaibahan ng katotohanan sa kasinungalingan," galit na pahayag ng PAGCOR employees.
Sa pahayag naman ng Arsobispo, hindi siya hihingi ng paumanhin sa mga kababaihan dahil hindi niya intensiyon na saktan ang mga ito kundi layunin lamang niya na idepensa ang dignidad ng mga ito bilang babae at PAGCOR employees. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest