'Ipot' ng kalapati mas deadly pa sa SARS
July 2, 2004 | 12:00am
Isang kakaibang sakit na sinasabing mas matindi pa sa kinatatakutang severe acute respiratory syndrome (SARS) ang naging sanhi ng kamatayan ng isang 8-taong-gulang na batang lalaki sa Batangas City na pinatunayang ang sanhi ay ang "ipot" o dumi ng kalapati.
Sinabi sa ulat na ang ikinasawi ni Prince Charles Liboon, ng Bgy. Kumintang East, Batangas City ay meningococcemia, isang uri ng meningitis o impeksiyon sa utak na dulot ng virus na dala ng dumi ng kalapati.
Ang sintomas ng sakit ay mataas na lagnat, pantal-pantal ang balat at nagkakasugat-sugat, pagsusuka at pananakit ng kasu-kasuhan. Sa loob lang ng 2 araw ay maaaring mamatay ang pasyente.
Ayon sa mga health experts ng St. Lukes Hospital, very highly contagious disease umano ang nasabing sakit na dumapo sa nasabing biktima. Ito ay kabilang sa airborne disease na nakakahawa sa pamamagitan ng simpleng pagsinghot ng hangin na dala ang virus.
Nabatid din na simula nang magkasakit ang biktima ay nagsarado ang Batangas City East School, ang katabing eskuwelahan nito bukod pa sa pinapasukan ni Liboon sa nasabing lugar sa takot na madapuan ang iba pang estudyante.
Sinelyuhan din ang kabaong ng biktima upang hindi na ito magkalat pa ng virus.
Dahil dito, nagbabala ang health experts na mag-ingat ang publiko sa pag-aalaga ng kalapati dahil ang nasabing sakit ay halos wala nang lunas at nauuwi sa kamatayan.
Katulad ng SARS, wala pang gamot sa viral disease na ito. Ang virus ay hindi kaagad nade-detect. Nanunuot ito sa katawan ng tao, sa mga ugat na nagtutuloy sa utak. Sinisira nito ang utak ng tao at pinamamaga.
Nabigo namang makunan ng pahayag ang DOH kaugnay sa sakit na ito. (Ulat ni Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am