^

Bansa

Biazon,pang-12 senador

-
Opisyal nang kinilala ng Comelec si Senator-elect Rodolfo Biazon bilang pang-12 nanalong senador sa katatapos na halalan.

Batay sa desisyon kahapon ng Comelec 1st Division, ibinasura nito ang inihaing petisyon ni Sen. Robert Barbers na kumukuwestiyon sa proklamasyon ni Biazon.

Ayon kay Comelec Commissioner Ressureccion Borra, walang basehan ang naging argumento ni Barbers para ipawalang-saysay ang naging proklamasyon ni Biazon dahil wala namang statistical probability na nalamangan nito si Biazon sa botohan.

Ibinatay rin ang desisyon sa mga certificate of canvass (COC) at statements of votes (SOV) na nanggaling sa apat na lugar sa Mindanao at Visayas na hindi agad naisali sa canvassing noong iproklama si Biazon.

Wala aniyang dahilan upang baligtarin pa ang puwesto ng ika-12 at ika-13 senatorial candidates sa ranking ng nakuhang boto dahil lumalabas na lumamang pa ng mahigit 8,000 boto si Biazon kay Barbers matapos makumpleto ang bilangan.

Gayunman, maaari pa ring maghain ng motion for reconsideration si Barbers sa Comelec en banc.

Bukod pa dito, may posibilidad pa ring tanggapin ang apela ni Barbers sa Senate Electoral Tribunal. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

BATAY

BIAZON

BUKOD

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RESSURECCION BORRA

ELLEN FERNANDO

ROBERT BARBERS

RODOLFO BIAZON

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with