Pamatong nagpiyansa
June 30, 2004 | 12:00am
Pansamantalang nakalaya kahapon ang umaming utak sa "spike attack" na si nuisance presidential candidate Atty. Elly Pamatong matapos maglagak ng piyansa sa Laguna Regional Trial Court (RTC).
Ayon kay Atty. Salvador Panelo, nakalaya ang kanyang kliyente dakong 12:30 ng tanghali matapos ihatid ng pamangkin ni Pamatong ang halagang P180,000 para sa kasong illegal possession of firearms & explosives.
Gayunman, kahapon ay kinasuhan naman si Pamatong ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng inciting to sedition matapos itong magbanta na susunugin niya ang lahat ng paaralan sa bansa.
Batay sa reklamong isinampa ng CIDG sa pangunguna ni NCR-CIDU chief Insp. Danilo Morzo at CIDG-PIO chief Felix Vargas, ang pagbabanta ni Pamatong ay isang uri ng panggugulo sa bansa na lumabas sa isang interview sa telebisyon.
Lumilitaw din sa affidavits na direktang sinabi ni Pamatong ang kanyang planong pagsusunog kung saan isasagawa niya ito sa madaling araw upang walang masaktan para pilitin si Pangulong Arroyo na bumaba sa puwesto.
Kahapon ay naghain na rin ng petition for disbarment ang Volunteers Against Crime and Corruption sa Supreme Court para hilinging tanggalin ang pangalan ni Pamatong sa Roll of Attorneys.
Iginiit ng VACC na hindi nararapat na maging miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Pamatong at kinokonsidera din na kahihiyan ito sa IBP dahil maituturing na hindi normal ang naging aksiyon nito.
Hinikayat din ng VACC ang IBP na agad simulan ang paglilitis alinsunod sa itinatadhana ng batas upang matanggal si Pamatong sa pagiging abogado. (Ulat nina Joy Cantos/Doris Franche/Gemma Amargo/Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am